Saturday, September 7, 2013

Kabataan Noon at Ngayon: Biblia Nasaan Naroroon?

Paano nga ba natin dapat palakihin ang ating mga anak? Bilang isang magulang ang nais lamang natin ay ang mga makabubuti lamang sa kanila. Ginagawa natin ang lahat para maibigay ang mga pangangailangan nila mula sa damit, pagkain, pag-aaral at minsan kahit alam natin na di na kailangan ay binibigay pa rin mapasaya lamang ang mga anak natin, pero ano ba talaga ang tamang paggabay sa mga kabataan.

MGA KABATAAN NOON at NGAYON:
Naalala ko noon isang sitsit lang ng mga nanay o tatay nanginging na ang mga bata sa pag-uwi kahit pa gaano sila kalayo, isang tingin lang ng magulang ay alam na ng bata na mali ginawa niya at mananahimik na. Ngayon ang mga bata ilang tawag na di ka pa din nadidinig at minsan kahit nasa tabi mo na di ka papansinin, ang masama pa mas matapang pa sila sa mga magulang at laging may katuwiran. Noon pag may pinabibili ka at sinabi ng nanay o tatay mo na saka na o di pwede tatahimik ka na lang at hihintayin kailan ka pwedeng ibili, samantalang ngayon kahit nasa mall ka iiyakan ka ng mga bata para ibili mo sila. Natatandaan ko pa “high school” ka na ay naglalaro ka pa ng patentero, luksong tinik, tumbang preso, piko, at marami pang iba, ngayon elemetarya pa lang ay may kasintahan na, nakakalungkot ay kinuknsinti pa ng ga magulang. Dati-rati maaga pa lang a nasa loob na ng bahay ang mga bata at kung lalabas sila ay nagpapaalam sa mga magulang at uuwi sa tinakdang oras, ngayon halos umaga na kung umuwi ang mga kabataan para lang sa mga kalayawan, at pag di pinyagan ay magrerebelde pa. Bakit nga ba?

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AT KAPALIGIRAN MALAKING IMPLUWENSIYA
Minsan nagtatanong ako bakit nga ba ganito, di man lahat ay karamihan ng mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas. Dapat ba isisi lahat ito sa mga magulang? Marami ng makabagong teknolohiya ngayon tulad ng “cellphones”, “tablets”, iPad, at marami pang iba, at dahil din dito madali na ang ang magpakalat ng mga bagay na makakaimpluwensiya sa ating mga anak, masama man o mabuti. Katulad na lang ngayon may mga mahahalay na palabas na kumakalat sa mga “social media” tulad ng Facebook, Twitter at You tube na sa tingin ko ay hindi magandang impluwensiya sa mga kabataan kung ito ay mapapanood. Isang video at litrato ang kumakalat ngayon ng isang singer na nagngangalang Miley Cyrus na kung saan ay di magandang impluwensya sa mga kabataan. Isang mahalay na panoorin na sa tingin ko ay di na dapat pa ipakalat, lalo na maraming kabataan ngayon ang nakaka access nito. Nakakalungkot isipin na kailangan magpakalat ng ganito para lamang kumita kahit alam naman natin na hindi ito magandang halimbawa sa mga kabataan. Minsan ay nasa kapaligiran din ng mg kabataan ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito. Sabi nga nila kung ano nakikita ng bata ay siya rin ang gagawin nito. Tamang paggabay ng mga magulang ang kailangan ng mga kabataan ngayon lalo na sa mga lumalabas na alam natin makakasama sa ating mga anak.

BIBLIA: TAMANG PAGGABAY SA ANAK
Sabi sa 2Timoteo 3:1-4 “Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang pasalamat, mga walang kabanalan,Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; “ na ang ibig sabihin ay sadyang magiging masuwayin ang mga tao sa darating na mga panahon. Pero nasusulat din sa Biblia na nasa tamang paggabay lamang ng magulang ang kailangan para mapabuti ang ating mga anak gaya ng sabi sa Kawikaan 22:6 “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.”. Di ko masasabi na isa akong perpektong magulang, may mga pagkukulang din ako bilang isang ina ngunit sa awa’t tulong ng Dios ay pinipilit kong magabayan ang aking mga anak sa dapat nilang lakaran. Marami rin akong mga tanong tulad ng ibang magulang kung papaano ko mapapalaki ng maayos ang aking mga anak. Nais ko lang sanang ibahagi ang ilang kasagutan sa ating mga tanong mula sa Biblia sa pamamagitan ni Bro.Eli Soriano:












No comments:

Post a Comment